Wednesday, November 26, 2014

How Your Hard-earned Money Can Grow For You

Matagal na din akong nagtuturo sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) specially sa mga papunta ng Japan as interns under the JITCO program. More than 19 years na! Ito ang mga natutunan ko patungkol sa PERA, handa ka ng malaman?

1. Madali kumita ng pera. Hindi problema ang sweldo, lao na kung sila ay masipag, hindi salit sa ulo ni Shachou, mabait at masunurin. Kadalasan, meron bonus pa pag-uwi.

2. Marami sa mga interns ang nakapagpagawa ng bahay o napagawa at na-improved ang lumang bahay. Ito ang isa sa importanteng dahilan kaya nag-sasakripesyo ang intern na magtrabaho ng 3 taon sa Japan.

3. Marami ang natulungan ng intern sa mga pag-aaral ng anak, kapatid at minsan pamangkin.

4. Bihira ang umuuwi ng walang naipong pera. At least meron nakakapag-ipon ng 100,000 pesos (maliit na ito).